Martes, Mayo 29, 2012


Sa Aking mga Kabata 



Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian


At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.


----->Unang Tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang "SA AKING MGA KABATA".


To Virgin Mary 

(English Version)


Mary, sweet peace, solace dear
Of pained mortal ! You're the fount
Whence emanates the stream of succor,
That without cease our soil fructifies.

From thy throne, from heaven high,
Kindly hear my sorrowful cry!
And may thy shining veil protect
My voice that rises with rapid flight.

Thou art my Mother, Mary, pure;
Thou'll be the fortress of my life;
Thou'll be my guide on this angry sea.
If ferociously vice pursues me,
If in my pains death harasses me,
Help me, and drive away my woes!


___________________________________________________________________________________
Sa Mahal na Birhen Maria
   (Tagalog Version)

Ikaw na ligaya ng buong kinapal
Mariang sakdal tamis na kapayapaan,
Bukal ng saklolong hindi naghuhmpay
Daloy ng biyayang walang pakasyahan.

Mula sa trono mong langit na mataas,
Akoy's marapating lawitan ng lingap
Sa daing ng aking tinig na may pakpak.

Ikaw na ina ko, Mariang matimtiman,
Ikaw ang buhay ko at aking sandigan,
Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay

Sa oras ng lalong masisidhing tukso.
At kung malapit na ang kamatayan ko,
Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!


POR LA EDUCACION (SPANISH)
( Recibe Lustre La Patria )


La sabia educacion, vital aliento
Infunde una virtud encantadora;
Ella eleva la Patria al alto asiento
De la gloria inmortal, deslumbradora,
Y cual de fresca brisa al soplo lento
Reverdece el matiz de flor odcra:
Tal la educacion al ser humano
Buenhechora engrandece con larga mano.

Por ella sacrifica su existencia
El mortal y el placido reposo;
Por ella nacer vense el arte y la ciencia
Que cinen al humano lauro hermoso:
Y cual del alto monte en la eminencia
Brota el puro raudal de arroyo undoso;
Asi la educacion da sin mesura
A la patria do mora paz segura.

Do sabia educacion trono levanta
Lozana juventud robusta crece
Que subyuga el error con firme planta
Y con nobles ideas se engrandece:
Del vicio la cerviz ella quebranta;
Negro crimen ante ella palidence:
Ella domena barbaras naciones,
Y de salvajes hace campeones.

Y cual el manantial que alimentando
Las plantas, los arbustos de la vega,
Su placido caudal va derramando,
Y con bondoso afan constante riega
Las riberas do vase deslizando,
Y a la bella natura nada niega:
Tal al que sabia educacion procura
Del honor se levanta hasta la lectura.

De sus labios la aguas cristalinas
De celica virtud sin cesar brotan,
Y de su fe las providas doctrinas
Del mal las fuerzas debiles agotan,
Que se estrellan cual olas blanquecinas
Que la playas inmoviles azotan:
Y apreden con su ejemplo loas mortales
A trepar por las sendas celestiales.

En el pecho de miserios humanonos
Ella enciende del bien la viva llama;
Al fiero criminal ata las manos,
Y el consuelo en los pechos fiel derrama.
Que buscan sus beneficos arcanos;
Y en el amor de bien su pecho inflama:
Y es la educacion noble y cumplida
El balsamo seguro de la vida.

Y cual penon que elevase altanero
En medio da las ondas borrascosas
Al bramar del huracan y noto fiero,
Desprecia su furor y olas furiosas,
Que fatigadas del horror primero
Se retiran en calma temerosas;
Tal es el que sabia educacion dirige
Las riendas de la patria invicto rige.

En zafiros estallense los hechos;
Tributele la patria mil honores;
Pues de sus hijos en las nobles pechos
Transplanto la virtud lozanas flores;
Y en el amor del bien siempre deshechos
Veran las gobernantes y senores
Al noble pueblo que con fiel ventura
Cristiana educacion siempre procura.

Y cual de rubio sol de la manana
Vierten oro los rayos esplendentes,
Y cual la bella aurora de oro y grana
Esparce sus colores refulgentes;
Tal noche instruccion, ofrece ufana
De virtud el placer a los vivientes,
Y ella a nuestra cara patria ilustre
Inmortal esplendor y ilustre.



___________________________________________________________________________________
Education Gives Luster to Motherland 



Wise education, vital breath
Inspires an enchanting virtue;
She puts the Country in the lofty seat
Of endless glory, of dazzling glow,
And just as the gentle aura's puff
Do brighten the perfumed flower's hue:
So education with a wise, guiding hand,
A benefactress, exalts the human band.

Man's placid repose and earthly life
To education he dedicates
Because of her, art and science are born
Man; and as from the high mount above
The pure rivulet flows, undulates,
So education beyond measure
Gives the Country tranquility secure.

Where wise education raises a throne
Sprightly youth are invigorated,
Who with firm stand error they subdue
And with noble ideas are exalted;
It breaks immortality's neck,
Contemptible crime before it is halted:
It humbles barbarous nations
And it makes of savages champions.
And like the spring that nourishes
The plants, the bushes of the meads,
She goes on spilling her placid wealth,
And with kind eagerness she constantly feeds,
The river banks through which she slips,
And to beautiful nature all she concedes,
So whoever procures education wise
Until the height of honor may rise.

From her lips the waters crystalline
Gush forth without end, of divine virtue,
And prudent doctrines of her faith
The forces weak of evil subdue,
That break apart like the whitish waves
That lash upon the motionless shoreline:
And to climb the heavenly ways the people
Do learn with her noble example.

In the wretched human beings' breast
The living flame of good she lights
The hands of criminal fierce she ties,
And fill the faithful hearts with delights,
Which seeks her secrets beneficent
And in the love for the good her breast she incites,
And it's th' education noble and pure
Of human life the balsam sure.

And like a rock that rises with pride
In the middle of the turbulent waves
When hurricane and fierce Notus roar
She disregards their fury and raves,
That weary of the horror great
So frightened calmly off they stave;
Such is one by wise education steered
He holds the Country's reins unconquered.
His achievements on sapphires are engraved;
The Country pays him a thousand honors;
For in the noble breasts of her sons
Virtue transplanted luxuriant flow'rs;
And in the love of good e'er disposed
Will see the lords and governors
The noble people with loyal venture
Christian education always procure.

And like the golden sun of the morn
Whose rays resplendent shedding gold,
And like fair aurora of gold and red
She overspreads her colors bold;
Such true education proudly gives
The pleasure of virtue to young and old
And she enlightens out Motherland dear
As she offers endless glow and luster.

Sa kabataang Pilipino


Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.

Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.

Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.

Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.

At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;

Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.

Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.


-->Salin ito ng tulang “A La Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong siya’y labingwalong taong gulang. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timnpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario, sanahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga Kastila’t katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob ditto ang unang gantimpala.

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit banggitin.

Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito.




A Poem That Has No Title 



To my Creator I sing
Who did soothe me in my great loss;
To the Merciful and Kind
Who in my troubles gave me repose.

Thou with that pow'r of thine
Said: Live! And with life myself I found;
And shelter gave me thou
And a soul impelled to the good
Like a compass whose point to the North is bound.

Thou did make me descend
From honorable home and respectable stock,
And a homeland thou gavest me
Without limit, fair and rich
Though fortune and prudence it does lack.

     Kundiman 
     (English Version)


Truly hushed today
Are my tongue and heart
Harm is discerned by love
And joy flies away,
'Cause the Country was
Vanquished and did yield
Through the negligence
Of the one who led.

But the sun will return to dawn;
In spite of everything
Subdued people
Will be liberated;
The Filipino name
Will return perhaps
And again become
In vogue in the world.

We shall shed
Blood and it shall flood
Only to emancipate
The native land;
While the designated time
Does not come,
Love will rest
And anxiety will sleep.

_____________________________________________________
Kundiman
(Tagalog Version)

Tunay ngayong umid yaring dila't puso
Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
Bayan palibhasa'y lupig at sumusuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.



Our Mother Tounge   

IF truly a people dearly love
The tongue to them by Heaven sent,
They'll surely yearn for liberty
Like a bird above in the firmament.

BECAUSE by its language one can judge
A town, a barrio, and kingdom;
And like any other created thing
Every human being loves his freedom.

ONE who doesn't love his native tongue,
Is worse than putrid fish and beast;
AND like a truly precious thing
It therefore deserves to be cherished.

THE Tagalog language's akin to Latin,
To English, Spanish, angelical tongue;
For God who knows how to look after us
This language He bestowed us upon.

AS others, our language is the same
With alphabet and letters of its own,
It was lost because a storm did destroy
On the lake the bangka 1 in years bygone.


----->A poem originally in Tagalog written by Rizal when he was only eight years old

Huling Paalam


Huling Paalam

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.

Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.

Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.

Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.

Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.

Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.

Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,

Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!

Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.

Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.

Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.

Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.

Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.

Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.

Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.

Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.

Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.

Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.

Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.

Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.

Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.

Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.

Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.

Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.

Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.

Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.

----> Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort Santiago, isinilid sa kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling dumalaw sa kaniya bago siya (Rizal) barilin.

Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa daigdif, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba, gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.

Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan, wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga kababayan at ng kaniyang bayan



                           THE THIRD NOVEL OF Dr. Jose P. Rizal





Ang Makamisa ay tinaguriang ikatlo sa mga nobelang isinulat ni Jose Rizal. Ito ay tinangkang isulat at tapusin ni Rizal sa wikang Tagalog. Ang nobela ay umiinog sa bayan ng Tulig, at nagsimula sa isang eksena ng misa na ibinigay ni Pare Agaton sa mga mamamayang sakop niya. Kabilang sa mga pangunahing tauhan ay sina Capitan Lucas, Marcela, Capitan Tibo, Don Segundo, Teniente Tato, at Aleng Anday.

Dalawang manuskrito ang natagpuan, una ay nasa wikang Tagalog, at ang ikalawa naman ay nasa wikang Espanyol. Ang nasa wikang Espanyol na bersyon ay napagkamalang manuskrito ng unang nobela ni Rizal na Noli me Tangere kaya't tinaguriang Borrador de Noli Me Tangere (Balangkas ng Noli Me Tangere) ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Taong 1987 nang matuklasan ni Ambeth Ocampo, na noo'y konsultant ng Pambansang Aklatan, na ang dalawang manuskrito ay may iisang kuwento at walang kinalaman sa nobelang Noli Me Tangere. Taliwas sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang Makamisa ay isinulat sa higit na nakakaaliw na paraan.

Tumigil ang tugtugan at natapos ang misa ni Pare Agaton.

Humugong ang simbahan sa bulong-bulungan at sagad-saran ng mga chinelas ng nangagsisilabas. Sagilsilan at pawisan sa init at antok, ang iba'y kukurap-kurap, ang iba'y naghihikab at ga kumukurus pa, ay nagtutulakan sa pagdukuang ng benditang nakalagay sa dalawang mangkok na pingas, malapit sa pintuan. Sa pagdadagildilan ay may batang umaatungal, matandang nagmumurá at nagbubulâ ang labi, may dalagang naninikó, kunot ang noo't pairap sa kalapit na binata, na tila bagá mauubusan ng tubig na maruming tila na putikang tirahan ng kiti-kiti. Gayon ang pag-aagawang maisawsaw ang daliri, málahid man lamang maikurus sa noo, batok, puson at iba't iba pang sangkap ng katawan. Taás ng mga lalaki ang hawak na salakot o sambalilo kaya, sa takot na madurog; pigil na magaling ng mga babai ang panyo sa ulo at baka mahulog; may nakukusamot na damit, may napupunit na manipis na kayo, may nahuhulugan ng chinelas at nagpupumilit magbalik at nang makuha, nguni't nadadalá ng karamihang tulak ng mga punong bayang lumalabas na taás ang yantok, tanda ng kanilang kapangyarihan. Ano pa't sa isang hindi nakababatid ng ugali sa katagalugan, ang dagildilang ito't pag-aagawan sa tubig ay makakatakut at maiisip na nasusunog ang simbahan, kundangan lamang at may ilang nagpatirang babaeng may loob sa Diyos, na hindi lumalabas kundi nagdarasal ng pasigaw at naghihiyawan na tila baga ibig sabihin:

—Ay, tingnan ninyo at kami'y mga banal. Hindi pa kami busog sa haba ng misa.

Tila baga kung tatanungin ang karamihan kung bakit sila pangagaw sa tubig na yaon at anó ang kagalingan ay marami na manding makasagot ang limá sa isang daan. Ang siyámnapu at lima'y dumadawdaw sapagka't ugali. Salvaje ang lumabas na hindi nagkurus muna: mag-alkabalero ka na ay huwag ka lamang magkulang sa kaugalian.

Ngunit't kung sasalugsugin ang loob ng lahat ng araw ng linggong yaong, linggo de Pasión, at itatanong sa marami kung anó kaya bagá ang ipinagdudumali, kung ang takot na mainís at makuluom sa loob, o ang masarap kayang simoy ng hanging humihihip sa labas at gumagalaw sa madlang halaman at bulaklak saa patio, ay marahil ay may iba pang masasabi. Sa matá ng lahat sa mga tinginan at kindatan pa sa loob ay mababasa ang isang hindi mailihim na pag-uusisa:

— ¿Napaano kaya ang dating cura? — ang tanong na hindi napigil ng isang matandang manang na ungab at hupyak ang pisngi, sa isang katabing kapuwa manang.

At nang matakpan ang kanyang pag-uusisa sa loob pa ng simbahan, ang matandang manang ay ga kumurus-kurus na at nagsusmaryosep!

— Hindi man kamí sinubuan ng pakinabang. . . Napaano po kaya?

— Napaano nga po kaya? Nagmisa nga po nang padabog, a! —ang sagot naman ng tinanong na isang manang na mataba na kumurus-kurus din naman, bumiling pa, humarap pa sa altar at ga yumukod pa ng kaunti. — Kulang na po lamang ipaghagisan ang mga kandila, a! Susmariosep!

— Siguro po'y gutom na! — ang sabat naman ng isang napalapit na babaing mahusay ang bihis. — Tingnan nga po ninyo't hindi man lamang binendicionan ang anak ng aking alila. . . aba! Ganoon pong naibayad na sa kandila at sa bendición, aba! Di sa linggo pong darating ay iuutang na naman sa akin ng ibabayad! Ikako'y hari na ngang maalsan ng empacto. Aba! Empactado po! Marami na pong nababasag! Ako nga'y madali; ayoko nga po ng hindi binebendicionang lahat!

Ganito ang salitaan hanggang makalabas sila sa pintuan. Doon naman nagkakatipon ang mga lalaki sa pag-aabang ng mga dalagang nagsisilabas. Doon ang pulong-pulungan, doon nagmamasid at napamamasid, ang aglahian, tuksuhan at salitaan bagay sa mga nangyayari. Datapua't nang araw na iyon, ang hantungan ng salita'y hindi ang magagandang dalaga, hindi ang panahon at ang init kundi ang pagmamadali ng cura habang nagmimisa. Bahagya nang nápuna ang paglabás ni Marcela, dalagang pangulo sa bayan, anak ng Capitang Lucas, na nagbabaras ng mga araw na yaon. Ang Marcelang ito'y bagong kagagaling sa Maynila, sapagka't namatay ang aling nagpalaki, kapatid ng kanyang amá. Kaya nga't luksa ang kanyang damit sapol sa panyong talukbong sa ulo hanggang sa medias na balot nang maliit na paang nakikita sa mabini niyang paghakbang. Sa tuwid ng katawan, sa taas ng ulo at sa kilos at lakad ay napaghahalata ang bukod na kapintasan, ang malaki niyang kapalaluan.

Bagama't marami ang nalibang sa sandaling sumunod sa kanya ng tingin, bagama't natigil na sumandali ang salitaan, nguni't hindi rin makalimutan ang tanungan bagay sa cura.

—Napaano kaya si Agaton natin?— ang tanungan ng lahat. Si Agaton natin ang tawag na palayaw sa balitang pari.
—Hindi man maantay matapos ang cantores a!
—Kung ipagtulakan ang misal . . .
—Padagis na ang dominus pabiscum . . .
—Totoong lintik na naman ang ating si Aton; totoong ginagawa na ang asal!
—Ilang pang araw ay tayo'y tutuwaran na lamang . . .
—Baka kaya nagpupurga!

Hindi ko na sasalaysayin ang lahat ng mga kuro-kuro ng mga lalaki at mga aglahíang may kagaspangang labis. Anó nga kaya ang nangyari sa mabunying pare, sa mabining kikilos at iikit na tila aral sa salamin, sa magaling magpadipadipa at magkiling ng ulo kung nagmimisa? Ano't hinaros-haros ang misa at umungol-ungol lamang gayong kung tura'y datihang magaling aawit at magpapakatal ng voces kung nag ooremus? Winalang bahala ang lahat: misa, cantores, pakinabang, oremus at iba pang palabas at nagdumaling tila di inuupahan. Nagsisimba pa naman ang bunying si Marcela, ang dalagang sapol ng dumating ay dinadalaw gabigabi ng Cura. Napaanó nga kaya si P. Agaton at di sinubuan ang tanang gutom sa laman ng Dios, gayong kung tura'y totoo siang masiyasat sa pakumpisal at pakinabang?

Samantalang ito ang usapan ng nagagtayô sa pintuan, ang mga kaginoohan nama'y nagtitipon dahil sa pag-akyat sa convento at paghalik sa kamay ng cura alinsunod sa kaugalian. Kung gulo ang isip ng taong bayan sa balang kilos ng cura at waláng pinagtatalunan kundi ang kadahilanan, guló din naman ang loob ng mga maginoo, at napapagkilalang tunay sapagka't bahagya nang mangakakibo, lalong lalo na ang Capitan, ang bunying si Cpn. Lucas na totoong natitigilan. Kaiba mandin sa lahat ang umagang yaon. Ang masalita at matapang na Cpn. Lucas ay hindi makaimik.

Titikhim-tikhim, patingin-tingin, at tila mandin di makapangahas lumakad at magpaunang para ng dati. Ang sapantaha ng nakapupuna ay takot siya ngayon at baka may ginawang kasalanan. Balita nga sa tapang at balitang lalaki si Cpn. Lucas lalonglalo na kung ang kausap ay nasasaklawan at daig, nguni't kapag ang kaharap ay pare, kastila o alin mang may katunkulan, ay bali na ang matigas na leeg, tungo ang malisik na tingin at bulong-bulong lamang ang masigawing voces.

Hindi nga makapangahas si Cpn. Lucas umakyat sa convento at baka mabulalas ni P. Agaton. Tunay nga't magaling ang kaniyang panunuyo, walang kilos, walang ngiti, walang tingin ang pare na hindi niya nalilining dalá nang pagkaibig maglingkod at ng makapagkapitang muli. Habang nagmimisa'y inusig ni Cpn. Lucas ang sariling isip; sagana siya sa pamisa, magagaling ang libing, halik siang palagi sa kamay ng among, kahapon lamang ay kinatuwaan pa siyang kinutusan ng pare at hinaplos sa batok dahil sa kaniyang alay na dalawang capong samsam sa isang tagabukid.

Sumaloob sa kaniya na baka kaya nakararating sa tainga ng pare ang balitang siya'y nakabasa ng librong bawal, diario at iba't iba pang may pangahas na isipan, at pinasukan ng takot. Nguni't ¿bakit doon magpapahalata ng galit sa misa? Baka kaya nakapagsumbong ang kanyang datihang katalo, ang mayamang si Cpn. Tibong kapangagaw niya sa pagbabaras? Walang iba kundi ito, kaya nga ng kaniyang suliapan ay masaya ang mukha ni Cpn. Tibo at tila uumis-umis pa. Pinangilangan nga, humiging sa kanyang tainga ang bulas na mabagsik, ang sigaw at mura. Nakinikinitá niyang Kapitan na si Cpn. Tibo at siya'y wala nang katungkulan; pinagpawisan ng malamig at tumingin ng mahinuhod sa upuan ng kaniyang kaaway.

Malungkot ngang lubha ng matapos ang misa at lumabas siyang parang nananaginip. Nanulak sa pagsasagilsilan, sumawsaw ng bendita at nagkurus ng wala sa loob, palibhasa'y malayo ang kaniang isipan. Nakaragdag pa ng kaniang takot ang mga usapan ng tao at ang mga kuro-kuro at akala sa ikinagagalit ng cura.

Para ng isang nadadalá ng baha na walang makapitan si Cpn. Lucas ay lumingap-lingap at humahanap ng abuloy. Kintal sa mukha ng lahat ang may libak na tawâ, ang ngising masakit sapagka't poot sa kaniya ang lahat niyang sakop at sawang-sawa na sa kaniya ang bayan. Samukha lamang ng isang tagasulat tila niya nasiglawan ang awa, sa mukha ni Isagani, nguni't awang walang kibo, awang walang kabuluhan, paris ng awang nakaguhit sa mukha ng isang larawan.

Upang mailihim ang pangamba at takot, ay nagtapang-tapangan at naggalitgalitan. Nagmasid sa paligid at naalala ang utos ng cura tungkol sa susunod na linggo de Ramos. Pinagwikaan nga ang mga cabisa at inusig sa kanilá ang kawayan at haliging gamit sa Máligay. Tinamaan silang lahat ng lintik at ang ibig nila'y makagalitan ng cura. Palibhasa'y hindi sila ang mananagot. Ano ang ginagawa ng mga kinulugan at hindi nagpahakot ng kawayan? Itatali ba nila sa langit ang tolda? Ipahahampas niya silang lahat ng tig-iisang caban kapag siya'y nakagalitan ng cura sa kagagawan nila. . .

Iba't iba pa ang sinabi at sa paggagalit-galita'y nang matapos ay tunay na ngang galit. Ang sagot ng mga kabisa'y may panahon pang labis, sapagka't kung ipaputol agad ang kawayan at haligi'y matatalaksan lamang, siyang ikagagalit ng among at baka sila'y hagarin ng palo, paris na nga ng Candelariang nagdaan.

Sa ngalan ng cura, hindi na nakaimik si Cpn. Lucas, lalong lalo na nang mabanggit ang paghahangad ng palo. Nakinikinita niya na baka naman siya hagarin, at tila mandin naramdaman rin niya sa likod ang kalabog ng garroteng pamalo. Nanglambot at nag-akalang umuwi't magdahilang maysakit, nguni't sumilid sa loob niyang baka lalong magalit ang pari dahil sa di niya paghalik sa kamay. Maurong masulong ang kaniyang kalooban, kunot ang noo, ang dalawang daling noong kaloob sa kaniya ng Diyos! nagtatalo ang loob niya sa dalawang takot, sa bulas ng cura na kaharap ang lahat, at sa galit ng curang hindi siya papagkapitaning muli.

Siya ngang pagdating ng isang alila ng pareng nagdudumali.

—Dali na po kayo— ang sabi sa Capitan—at kayo po ay inaantay. Totoo pong mainit ang ulo ngayon!

—Ha, inaantay ba kami—ang sagot na baliw ni Cpn. Lucas, na matulig-tulig—Oy! Dali na kayo— ang sabi sa mga kabisa—narinig na ninyo: tayo raw ang inaantay. . .

—Aba, kayo po ang inaantayan namin, ang sagot ng mga kabisa—kanina pa po kaming. . .

—Kayo ang hindi kukulangin ng sagot. . .

Dali-daling lumakad sila, tahak ang patio tungo sa convento. Ang kaugalian ng dati'y pagkamisa, ang mga kaginoohan ay umaakyat sa conventong ang daan ay sa sacristia. Nguni't binago ni P. Agaton ang ugaling ito. Sa kaibigán niyang matanghalan ng lahat ang paggalang sa kaniya ng bayan, ipinagutos na lalabas muna ng simbahan at doon magdaraan sa patio, hanay na mahinusay ang mga kaginoohan.

Lumakad na nga ang mga puno, nangunguna ang Kapitan, sa kaliwa ang teniente mayor, Tenienteng Tato, sa kanan ang Juez de Paz na si Don Segundo. Magalang na nagsisitabi ang mga taong-bayan, pugay ang takip sa ulo ng mga tagabukid na napapatingin, puno ng takot at kababaan sa gayong mga karangalan. Tinunton nila ang malinis ng lansangang tuloy sa pintuan ng convento. Tanim sa magkabilang tabi ang sari-saring halamang pangaliw sa mata at pagamoy ng balang nagdaraan. Ang mapupulang bulaklak ng gumamelang pinatitinkad ng madilim na murang dahon, salitan ng maliliit na sampagang naggapang sa lupa, nagkikislapan sa masayang sikat ng araw. Katabi ng walang kilos na kalachucheng hubad sa dahon at masagana sa bulaklak ay wawagawagayway ang adelfang taglay ang masamyong amoy; ang dilaw na haluan ng S. Francisco, at ang dahon mapula ng depascua'y kalugud lugod kung malasin sa. . .

Nguni't ang lahat ng ito'y hindi napupuna ng mga maginoo, sa pagtingin nila sa bintana ng conventong paparoonan. Bukas na lahat ang mga dungawan, at tanaw sa daan ang loob na maaliwalas. Sapagka't sa kaibigán ni P. Agatong ipatanghal ang pagpapahalik niya ng kamay ay pinabubuksan kung araw ng linggo ang lahat ng bintanang lapat na palagi kung alangang araw. Kaya nga't malimit pang lumapit siya sa bintana at doon umupo habang nagpapahalik, samantalang kunwari'y nagmamasidmasid sa mga dalagang lumalabas sa simbahan.

Natanawan nila sa malayo ang mahagway na tindig ng pare na palakadlakad ng matulin, talikod kamay at tila baga may malaking ikinagagalit. Pabalikbalik sa loob ng salas at minsanminsang tumitingin sa daan, at nasisiglawan ang kintab ng taglay na salamin. Nang makita mandin ang pagdating ng mga maginoo'y tila natigilan, napahinto sa pagpapasiyal at lumapit at dumangaw. Ga tumango ng tangong inip, at saka itinuon ang dalawang kamay sa babahan. Nagpugay agad si Cpn. Lucas. Nagmadali ngang tinulinan ang lakad. Sumikdosikdo ang loob at dumalangin sa lahat ng santong pintakasi at nangako pang magpapamisa, huag lamang siyang makagalitan.

Nang makaakyat sa hagdanan ay sinalubong sila ng isang alilang nagsabi ng marahan.

—Kayo po raw ay magsiuwi na, ang wika ng among.
—At bakit?—ang tanong sa mangha ni Cpn. Lucas.
—Galit pong galit. . . Kanina pa po kayo inaantay. Sabihin ko raw sa inyong siya'y hindi bihasang mag-antay sa kanino man.

Namutla si Cpn. Lucas at kaunti nang himatayin ng ito'y marinig. Nautal at hindi nakasagot kapagkaraka, nagpahid ng noo, at sumalig sa bunsuran.

—Galit ba. . . ano ba ang ikinagagalit?

—Ewan po!— ang bulong ng alila.—wala pong makalapit. Inihagis po sa cocinero ang tasa ng choolate.

Nagpahid na muli ng noo si Cpn. Lucas, at hindi nakaimik.

—Si aleng Anday. . . narian ba? —ang naitanong na marahan.

—Narito po, nguni't nakagalitan pati— ang sagot ng alila.

At idinugtong na marahangmarahan:

—Sinampal po!

Napanganga si Cpn. Lucas at nawalan ng ulirat. Sinampal si aleng Anday! Pinutukan man siya sa tabi ng lintik ay hindi man totoong nagulat paris ng marinig ang gayong balita. Sinampal si aleng Anday, gayong si aleng Anday lamang ang sinusukuan ng cura.

May tumikhim sa loob.

—Kayo'y umuwi na at baka kayo marinig ng pare ay kayo'y hagarin!—ang idinugtong ng alila.

Hindi na ipinaulit ni Cpn. Lucas ang hatol ng alila; nanaog na dalidaling kasunod ang lahat na maginoo sa takot na baka siya labasin ni P. Agaton na dala ang garrote.

Nang makalabas na ay nagisipisip upanding pagsaulan ng loob. Nagpahid uli ng mukha at nang may masabi sa kanyang mga kasama'y nagwika:

—Napaano kaya si P. Agaton?

—Napaano kaya?—ang sagot ng tenyente mayor.

—Siya nga, napaano kaya!—ang tanong ng Juez de Paz.

At nagtuloy silang lahat sa Tribunal.

Tunay nga't hindi biro-biro lamang ang galit ni P. Agaton.

Nang makamisa at matapus magalbot ang lahat na isinoot, nakyat sa conventong dalidali, umupo at mag-aalmosal, at nang mapaso ng chocolate ay inihagis sa cocinero ang tasa.

Si aleng Anday, na bagong kagagaling sa misa, at soot ang naipagbiling candila, at kaya nga binigyan pa nang kaunti nang nagkahuloghulog. Kaya nga't dalidaling nanaog at umuwi sa bahay. Walang makaalam sa buong convento ng dahilang sukat ikagalit ng cura. Malamig pa ang ulo niaong bago magmisa, umumis pa sa sabing marami ang naipagbiling kandila, at kaya nga binigyan pa ng isang salapi ang sacristan mayor. Ano ang namalas habang nagmimisa na hindi niya minagaling? Puno ang simbahan ng tao; ang lalong magagandang dalaga'y nangagluhod na malapit sa altar at si Marcela'y baga't malayo man ay tanaw ding tanaw sa malayo, katabi ni aleng Anday sa luhuran. Ang sakristyan mayor ay walang sukat masabi.

Hindi man ugali ni P. Agaton ang daanan ng sumpong na para ng ibang pare. Karaniwa'y mahusay, masaya at matuwain, lalo na kung marami ang pamisa, magagaling ang libing at nasusunod ang lahat niyang utos. May sampong taon nang cura sa bayan ng Tulig; dumating na bata pa, dalawampu't walo lamang ang tanda, at sa panahong ito'y nakasundo niyang totoo ang bayan.

Tunay at mainit nang kaunti ang ulo, magaling mamalo kapag nagagalit at may ilang mahirap na ipinatapon sa malayo at ipinabilanggo nang taunan; nguni't ang lahat nang ito'y maliliit na bahid kung matatabi sa mabubuti niyang kaugalian. Siya ang takbuhan ng tao sa bayan sa anumang kailangan sa cabecera; siya ang sinusuyo ng sinumang ibig magbaras o may usapin kayang ibig na ipanalo. Siya ang puno, siya ang tanggulan, siya halos ang kalasag nang bayan sa anomang marahas na pita ng ibang pinuno. Tunay nga't may kalikutan ng kaunti sa babae, lalong lalo na yaong kabataang bagong kadarating, nguni't wala naman sukat na masabi sa kaniya ang bayan; naipakasal na mahinusay, pinabahayan at binigyan ng puhunan ang lahat niyang ginalaw, alin na kaya sa ibang binata na nakasira't hindi nakabuo, at saka ang isa pa'y tumahimik nang lubos sapul ng makakilala si aleng Anday, ngayon na nga lamang na umuwi ang Marcela na galing sa Maynila, ngayon na nga lamang tila nagugulong panibago, malimit ang pagdalaw sa bahay, ugali't maganda ang dalaga, kaibigan ang ama at wala pa namang sukat na masabing higit sa karaniwan. Tunay nga dumadaing ang ibang mahirap at tumatangis sa kamahalan ng libing, binyag at iba pang upa sa simbahan datapua't talastas ng marami na kailan ma'y madadaingin ang mahirap at sa katunayan nga'y ang mayayama'y busog sa kanilang cura at tila pa mandin nagpapalaluan ng pagbayad ng mahal sa kanilang pare.

Mutya nga halos ng bayan ang bunying cura kaya nga't walang alaala ang tanan kundi pagaralan ang lahat niyang nasa at pangunahang tuparin ang lahat niyang utos. Agawan ang lahat ng paglilingkod sa kanya, palaluan ng alay at sa katunayan ay saganang palagi ang cusina't despensa sa convento; sa cura ang maputi at bagong bigas, sa cura ang matatabang manok, ang malalamang baka, ang baboy at usang nahuli sa bating, ang ibong nabaril, ang malaking isdang nahuli sa dagatan, ang matabang ulang at ang mga masasarap at mabubuting bunga ng kahoy. Bukod pa sa mga handog na ito ng mayayaman, na ikinabubuhay ng pare na walang gasta at ng kaniyang mga alila ay sunodsunod pang dumarating ang mga panyong habi, ang mga talaksang kahoy ng tagabukid na walang sukat maialay, ang lahat na panunuyo nang nagkakailangan, sa napabilanggong ama, sa hinuling kapatid, sa sinamsam na hayop ng Guardia Civil, sa ipalalakad na kamaganak sa Cabecera na hindi maalaman ang dahil. Sa lahat nang ito'y isang sulat lamang, isang pasabi o isang salita kaya ng cura'y nakaliligtas ang napiit, nakauwi ang hinuli, nasasauli ang hayop at napapanatag ang natitigatig na bahay.

Wala namang sukat masabi ang tao sa kay aleng Anday, subali'y puri pa at galang ang kinakamtan niya. Sapagka't sa totoong mahihigpit na bagay, sa mga nakawan o harangan kaya, si aleng Anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitan niyang mabisa'y walang napapahamak, walang natitimba, walang naduduruhagi. Kaya nga't kung ang tingin sa cura'y parang isang Dios na ahit ang ulo, ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may puso na Virhen, maawain at mura-mura pa sa ibang Virheng kahoy na sinasampalatayahan.

Di sukat nga pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng cura. Kung biglang magitim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batis at maglaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot? Si P. Agaton ay sa mga taga Tulig ay mistulang araw na masilang, matamis na batis, masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa rito'y ama pa ng kaluluwa.

Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulul-ul. Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin ang lahat. Kaya nga't sa tribunal, makatapos ang misa'y walang ibang pinagusapan at pinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng cura. Magtatalo man at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukat masabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagka't nabalitaang nasampal si aleng Anday ay wala mandin silang. . .

BUOD:

Ang Makamisa ay isang nobelang tinangkang isulat at tapusin sa wikang Tagalog ni Dr. Jose Rizal. Ang kuwento ay umiinog sa bayan ng Tulig, at nagsimula sa isang eksena ng misa na ibinigay ni Pare Agaton sa mga mamamayang sakop niya. Kabilang sa mga tauhan ng nobela sina Capitan Lucas, Marcela, Capitan Tibo, Don Segundo, Teniente Tato, at Aleng Anday. Taliwas sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang Makamisa ay isinulat sa higit na nakakaaliw na paraan.